THESE ARE SOME OF THE COMMON PERSONALITIES ANYONE COULD ENCOUNTER WHILE RIDING IN A JEEPNEY:)
1. SPEAKER OF THE HOUSE
- mga pasahero na akala mo 'yung kausap nila eh nasa kabilang jeep, when in fact, nasa tabi lang nila, daig pa ang naka-mega phone sa lakas ng boses at kung tumawa? hay naku wagas te!
2. THE F.C's
- ito naman yung mga kunwari eh nagtatanong kung anong oras na tapos pagsinagot mo na eh may follow up question agad yung tipong kulang na lang pati araw na kinasal yung magulang mo tinatanong din... phew!
3. THE PAKISUYO PO (THE PALIHUG KO)
-mga taong pag sumakay ay pinipiling umupo sa may pintuan ng jeep lalo na kung walang konduktor, kung makipagsiksikan lang, wagas din! eh kasi nga ayaw ma sabihan ng "pakisuyo po" these people are also known as "the not-so-lazy"
4. SMOKEYS

-kahit ga'no pa kalaki yung sign na "NO SMOKING" di pa rin nakakaintindi, minsan nga yung driver mas malakas pa bumuga ng usok kesa sa jeep...
5. THE AT HOME
-kapatid 'to ng SPEAKER OF THE HOUSE, kung umupo aba kala mo nasa sa sala lang.. yung tipong sofa ng bahay nila ang inuupuan na yung iba di na halos makaupo...
6. ESTUDYANTE
-wala namang masama pag ine-exercise natin yung RIGHTS natin eh kaya lang may mga tao lang talagang arogante, patawad pero ito yung mga taong ganito,
driver: (pagkaabot ng pamasahe) ilan to?
pasahero: ESTUDYANTE!!!
-ang tanong "ILAN" hindi "SINO"
driver: (inaabot yung sukli)
pasahero: kuya kelan pa tumaas yung fare rate? kulang po ng PISO! ESTUDYANTE!
-di ba pwedeng balato mo na lang yan sa driver te?
7. THE WALO-WALO
-ito yung mga konduktor na ginagawang sardinas yung mga pasahero...ay naku! nakaka-stress!
8. OVERPRICERS
-may mga driver din naman na over mag-price ng fare lalo na kung malayo-layo din yung bababaan mo...
9. SLEEPYHEADS
-intindihin na lang natin tong mga to lalo na yung mga call center agents:) kaya lang minsan sa sarap ng tulog ginagawang unan yung katabi:)
10. THE SMELLS
-kailangan ko pa ba tong i-explain? hehe baka himatayin lang ako noh!
image
from: http://www.wheninmanila.com/london-bus-driver-drives-jeepney-in-manila-toughest-jobs/
Comments
Post a Comment